"Sa pamamagitan ng pagmamahal,pagsapuso ng ginagawa at malasakit sa anong naramdaman ng ating kapwa tao. "
Gusto ko ibahagi ang karanasan ko sa Banahaw Healing Summit. Ang Banahaw na lugar ay pamilyar na sa akin,dahil 1986 narating ko na ito. Sa anumang dahilan sa ibang mga events ng AWHAI hindi ako nakakasama. Pero this time I made it🙂 Ang pag pick- up pa lang sa akin sa San Pedro Exit ay naging challenge na. Pagdating din sa Bangkong Valley para saan ang accomodatation place,hindi nakaahon ang Van🙂maglakad na lang ang option.With Cara,Ms.Suz,Dr.Talisayon and others, in Cara's team. Aminin ko man hapong hapo ako talaga na pagdating ko sa taas paakyat ng dining area,nakita ko ang puno, nag connect ako sa puno at nakipag exchange ng energy nagpasalamat.Saglit lang pero nawala ang feeling Kong babagsak ako. Magkasama kami ni Doc Jo sa Timotea unit which is hindi nagpakuha ng larawan.Oras ng pagtulog na,unang nagpakita napakadaming butterfly,pangalawa mga puno't halaman naggagalawan,at pangatlo napaliwanag na mapuputing mukhang mga ilaw na nagliliparan. Nang maramdaman kong gumagalaw si Doc,sinabi ko na 3 beses ako na ginigising at iba iba nakita ko.Napaiyak ako ng sharing natin,kasi nasa isip ko sino ba ako para magpakita sila sa akin? Tears of joy po yon.nafeel ko ang Love and connection ko sa mga nakita na yon. Last night namin ni Doc Jo,maaga ko natapos ang gawain ko kaya after dinner,nasa Theresa unit na ako pinalipat ni Doc Jo. Ang alam ko talaga bago ako matulog lampas na 10 o'clock ng Gabi dahil may alarm clock ako sa tabi ko. Nagising po ako na pakiramdam ko galing na ako sa mahabang tulog at akala ko umaga na,umupo ako sa higaan nakita ko ang alarm clock na 10 o'clock,nagtataka ako,naisip ko pa na huminto na baka di nagana ang battery po. Pagkabukas ko ng phone ko 10 : 06 kasi need ko pang on ang phone ko. Lumingon ako sa paligid,ko madilim pa kaya nakumbinsi ko ang aking sarili na gabi pa nga🙂 Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga taong nakadaop palad at nakausap ko sa Banahaw Healing Summit. Nawa'y ang paghimay ko sa katawan niyo kahit daglian lamang Oras,umaasa ako ,nakapagbigay ng gaan o ginhawa.Instrumento lamang po at ginagabayan ng PANGINOON ,SIYA po ang tunay na nagpapagaling. Sa pamamagitan ng pagmamahal,pagsapuso ng ginagawa at malasakit sa anong naramdaman ng ating kapwa tao. Ako si Ma. Louwella aka ate Lou or ate Malu Nagpupugay at nagsasabi MAHAL ko kayong lahat. May LOVE, FORGIVENESS,UNITY and HUMILITY be always in our Heart and Soul. Keep up the Wisdom not Intelligence🙂 LOVE and LIGHT to be spread by actions ❤️ GOD bless us all ❤️🙏
